Maraming bagay dito sa mundo
hindi natin kayang pigilan
hindi natin kayang hawakan
ngunit simple lang ang gusto ko
maging malaya...
Maraming tao ang nag-aaway-away
hindi nagkakasundo
ngunit simple lang ang gusto ko
maging magkaibigan ang lahat
Maraming tao ang naghihiwalay
hindi nagkakasunduan
ngunit simple lang ang gusto ko
laging magmahalan
Maraming tao ang naghihirap
hindi makakain
ngunit simple lang ang gusto ko
laging magbigayan
Maraming tao ang hindi masaya
namomoblema
ngunit simple lang ang gusto ko
maging masaya tayong lahat
at mabuhay ng tahimik.
No comments:
Post a Comment